Pages

Monday, July 4, 2011

Masakit magmahal,

  • Kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo.
  • Kapag nalaman mong may ibang mahal ang mahal mo.
  • Kapag ginawa mo na ang lahat, pero wala pa rin.
  • Kapag nalaman mong may anak ka sa taong mahal mo, pero, hindi pala sa’yo.
  • Kapag nagpakasal ka sa taong mahal mo, pero, napilitan lang siya.
  • Kapag lahat ng minahal mo ay iniwan ka.
  • Kapag totoo ang pagmahahal mo!

Bakit ang Rebound Relationship ay hindi epektibo?

Nakakita ka na ba ng dalawang taong naging mag-kasintahan ng mahabang panahon, tapos naghiwalay, ang masama, pagkatapos ng isang linggo, nakahanap na agad sila ng bago?

Rebound relationship- Yun bang pumasok na sa isang relasyon ang isang tao na hindi pa talaga over ang feelings niya sa ex niya. Madalas, kawawa dito ay yung ni-rebound. Sa madaling salita, panakip-butas ka lang!



Ang ideya ng mga ganitong klase ng relasyon ay isang likas na ugali dahil minsan hindi ganung kadaling mag-cope up ang isang tao sa dating relasyong pinasukan nito. Samakatuwid, kailangan lang nila ng sasalo sa kanila, ng mabilisan. Yun bang gusto lang nila ng masasandalan dahil nga sa sobrang sakit.

Bakit nga ba hindi epektibo ang Rebound Relationship? Narito ang ilang dahilan,
  • Tuliro ka pa din- Kung namimili ka ng partner kapag malabo pa rin ang utak mo, hindi maganda ang magiging resulta niyan. Kasi nga, wala ka pa sa katinuan ng utak mo. Hindi ka maka-get over sa ex mo ng sobrang bilis kaya mamadaliin mo yung paghahanap mo. Obviously, dahil sa ex mo kaya mabilisan kang naghahanap ng iba, dahil gusto mong ipakitang may bago ka na, agad! Aminin mo man sa hindi.
  • Ginagamit mo lang siya- Aminin mo man sa hindi, totoo ito! Dahil nga nakakaranas ka ng sobrang sakit, mas pipiliin mong sumama sa iba, kung saan magiging komportable ang magiging pakiramdam mo. Kahit sino na aalis ng sakit sa puso mo ay pipiliin mo, kahit na yung maling mali para sa’yo. Hindi siya ang mahalaga sayo, kundi yung kakayahan niyang pagaanin ang kalooban mo sa panahong nasasaktan ka. Okay lang naman na gamiting pain-reliever ang isang tao, yun nga lang, papasok na ang guilt kapag nawala na ang sakit.
  • Masyado siyang masasaktan- Naisip mo ba ‘to? Naisip mo din ba yung damdamin niya? Yun bang umaasa siya na mahal mo talaga siya, pero, ang totoo, ginagamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Habang ikaw ay natutuwa, siya namang kalungkutan ang magiging dulot nito sa kanya.
  • Hindi talaga pagmamahal ang nararamdaman mo sa kanya- Sa katunayan, wala ka talagang nararamdaman sa kanya. Kasi nga, mahal mo pa yung ex mo. Ang sakit lang sa part nung ginamit mo. Kasi nga nag-expect siya ng malaki sa’yo.
Sadyang mahirap talagang pumasok sa ganitong klase ng relasyon. Masyadong mahirap sa part nung ginamit. Ang masama pa, alam niyang ginawa lang siyang panakip butas pero, nagbulag-bulagan siya para dito. Kasi, para sa kanya, kahit na panandaliang saya lang ang dulot nito sa kanya, okay lang, at least naranasan niyang maging masaya. At ito ay sa piling ng mahal niya, sa piling ng taong ginamit lang siya at ginawang panakip butas lamang.

Hindi makakatulong ang rebound relationship lalo na kapag magulo pa din ang utak mo, o hindi ka pa rin nakaka-move on sa sakit na nararamdaman mo.

Mas mabuti kasing gumawa ka ng paraan na maka-move on ka ng hindi nanggagamit ng iba. O kaya naman, umiyak ng umiyak hanggang sa madehydrate ka. Alam kong mahirap pero, mas maganda kung ganun.

MAGING FAIR KA SA SARILI AT LALONG LALO NA SA IBA.

Face to face ng TV 5

Sino bang hindi nakakaalam sa programang ito? Sa nabasa ko, ayon ito sa The Jerry Springer Show, ang pinagkaiba lang, sa TJSS, hindi binibigyan ng solusyon ang mga problema, pero sa Face to Face, bibigyan pa sila ng payo, at susubukang ayusin ang suliraning naihain sa kanila ng mga lumahok.

Nagmimistulang sabungan ng mga tao. Hindi ko lubos maisip at maintindihan kung bakit ang inaakala kong mga sibilisadong tao tulad ng prodyuser, direktor at manunulat ng programa ay gumawa ng isang programang pantelebisyon na kung saan ang kanilang mga panauhin ay nagsisigawan, nagsasapakan, nagmumurahan at nagpapalitan ng mga maaanghang na salita, na masasabi mong nakakawala ng respeto sa damdamin at dignidad ng ating kapwa-tao. Ano man ang kanilang dahilan sa pagbubuo ng programang ito, natitiyak kong hindi ito tumutugma sa wastong kaisipan, kaugalian at kagandahang asal ng ating lahing Pilipino.

Nanjan yung inagawan ng asawa ang sarili niyang ina, ninakawan ng electrickfan yung kapitbahay, ultimo yung simpleng pinahiya lang siya, bini-big deal na masyado. Nakakairita lang!

Hindi ako tutol o kung ano dito. Wala akong pakialam kung scripted pa to o hindi. Wala din akong pakialam sa nararamdaman ng mga taong sumasabak sa programang ito. Naasar talaga ako.

Oo, alam ko. Andun na tayo, sadyang ganun nga talaga ang ibang Pinoy (hindi lang naman dito, at take note, IBA, hindi ko sinasabing lahat), napaka-skandalosa, minsan walang limit. Pero, totoo naman ‘eh, ganun talaga kung mag-away yung mga Pinoy, sabunutan, sapakan, sipaan,  resbakan, murahan, at kung anu-ano pa. Ang kinaiinisan ko lang, hindi naman dapat pati yung sobrang liit na dahilan, eh, pagaawayan pa. Mga isip bata talaga. Grow up naman sana! Tapos, ang masama pa, mag-aaway sa telebisyon, nakikita ng lahat, napapanuod. Jusko lang!

Nakakatulong din naman yung programa, bukod sa ma-eenlighten yung mga nag-aaway, eh may posibilidad na magkabati na sila.

Pero, wala, naasar talaga ako. :D

Yung mga taong mahilig magpa-like sa Facebook,

Oo. Ganito ako minsan, pero, tuwing sasali lang sa mga contest. Hindi yung sa photos and albums, at kung anu-ano pa. At least doon, kapag maraming likes may makukuha ka, eh, sa mga pinapalike sa akin, parang wala naman.

Hindi naman sa nagdadamot ako, tama nga naman, isang click lang naka-like ka na. Pero, ano ba kasing goal ng mga ganitong tao? Yun ang kinaiinisan ko. Okay lang naman kung sa paligsahan o kahit anong makakatulong sa sarili nilang kagustuhan e. At least, alam ko sa sarili kong nakatulong ako.

Kung yayaman ako sa mga pa-like niyo, edi sige, larga lang! Kaso, wala e, yung iba galit pa na hindi mo ni-like yung photo nila. Eh, kabanas. Kainis.

Minsan, kailangan talaga nating lumugar ng wasto at kaaya-aya sa mata ng mga tao.

Grow up

Ang pag-mature sa isang relasyon ay may maraming kahulugan. Pero, kung babasahin at papakinggan muli ang parirala, ano nga ba ang gagawin mo para mag-grow up sa isang relasyon?

Nasabihan na akong “grow up” ng ilang beses dati, at kapag nasabihan ka na nito, marahil alam mo rin ang pakiramdam. Una, pakiramdam mong napahiya ka kasi ang tingin nila sa’yo bata (kasi nga, umaakto ka na parang isang bata). Ano man ang dahilan para ma-sabi niya yun sa’yo, ito ang ilang paraan para, mag-“grow up” sa isang relasyon:
  1. Wag masyadong seloso/sa-  Ang oras ng kasintahan mo, ang atensyon at ang pagmamahal niya ay hindi umiikot sa’yo lang. Kung iisipin mong mabuti, nagustuhan mo ang partner mo dahil sa kung ano ang kaya niyang gawin upang magbago ang ikaw, noon. Ibig sabihin ko lang, wag masyadong possesive, dahil ang sobrang pagiging seloso/sa, ay nakakasakal na!
  2. Maging responsable sa lahat ng aksyon- Kailangan, alam mo at napag-aralan mong mabuti at matino ang bawat aksyong gagawin mo sakanya. Dahil, ang isang pagkakamali, ay maaring makawasak ng relasyong matagal mo nang inalagaan. 
  3. Ang hinala mo ang mali, hindi ang mundo- Hindi ka naman kasi superhuman o si Madam Awring para malaman kung ano ang mga ginagawa niya. Wag masyadong maghinala. To see is to believe. Bago ka magreklamo sa dapat ireklamo, alamin mo muna ang totoo.
Sa tingin ko ilan lang yan sa mga paraan para mag-grow up. Wala nang mas gaganda pa sa desisyong gagawin mo sa buhay kundi ang umakto ng wasto sa kung ano ang edad mo.

Napipilitan ka na ba?

Minsan dumarating sa buhay natin yung mga pagsubok na obligado tayong gawin o maisakatuparan. Kahit ayaw natin, kahit anong pilit natin, wala e, sadyang obligado lang talaga tayong gawin.

Ilang beses na bang nangawit ang mata mo kakatitig sa mga papel na dapat ay itinatrabaho mo na? Ilang beses ka na bang naghintay sa akala mong dadating pa sayo? Ilang beses ka na bang ngumiti ng sapilitan dahil ayaw mong magpahalata sa mga taong nakapaligid sa’yo na lugmok ka na? Ilang beses ka ng naglilinis ng bahay, pero sa isang iglap lang, nadumihan na naman ito? Ilang beses na? Mahirap di ba?

“Sana puwedeng alisin muna ang mata at ilagay sa bulsa para kahit pumikit sya, nakatago naman sya,  hindi ito mahuhuli ng boss.”- sabi ito ng ilan sa naging inspirasyon ko sa artikulong ito. Sana nga di ba? Sana pwedeng ganun? Kasi, minsan, antok na antok ka pa, pero, obligado kang bumangon para lang pumasok sa eskwelahan o sa opisina.

Minsan naisip ko, kung ayaw ko at napipilitan lang ako, hindi ko talaga gagawin. Pero, wala ‘eh. Sadyang unfair minsan ang mundo. Wala tayong magagawa kundi sundin ang mga bagay na minsan ay hindi tayo liligaya, na hindi tayo makikinabang.

Kung sa pag-ibig naman, kung napipilitan ka lang na mahalin siya, aba! Lubayan mo na hijo/hija. Hindi por que masaya siya sa ginagawa niya, tama na ang lahat. Minsan masama rin ang epekto talaga kapag ginagawa mo ang bagay na hindi ka nasisiyahan. Kaya, please, magpakatotoo ka. Sabi nga nila, “Mas mabuti ng masaktan sa katotohanan kesa, paniwalain sa kasinungalingan.”

Inisip mo nga ang iba, nahihirapan ka naman. Ikaw na tong nagsakripisyo, ikaw pa agrabyado. Pero, dapat ka bang kaawaan? Kasalanan mo rin kasi yan eh, di ba? Kaya may free will o kalayaan tayo, dahil may kapangyarihan tayong mamili ng alam nating makakabuti sa atin.

HINDI MASAMANG IWANAN ANG NAKASANAYAN KUNG IKAW AY NASASAKTAN. HINDI NAMAN SILA ANG MAGIGING KAWAWA, IKAW MISMO.

Darating pa ba siya sa'yo?

Maghintay. Magmatyag. Maging matalas ang mata. Malay mo nanjan lang siya sa tabi mo. O, kanina, nasalubong mo na. Aksidenteng nabangga mo siya habang nagmamadali kang sumakay ng Jeep papunta sa pupuntahan mo. Yung mga ganiyang insidenteng nakakabwisit. Ayun na e, andun na siya, pero hindi mo siya nakita. Nakakahinayang lang hindi ba?

Hindi lahat ng bagay ay mapupunta agad-agad sayo. Darating yan, sigurado ako. Sa tamang oras. Sa tamang panahon. Ngunit, paano nga kapag napagod ka na? Papaano kung sawang-sawa ka ng maghintay ng taong para sa’yo? Nakakasawa nga naman to, lalong lalo na kung sobrang atat ka na.

Oo, nga. May nakalaan para sa atin. Paano kung yung nakalaan para sa atin ay napunta na sa iba? Paano? Paano kung nagpari na o kaya naging madre? Paano kung nag-pakasal na? Paano kung bading/tibo? O kaya, patay na.

Walang kasiguraduhan. Napakagulo. Nakakatamad. Nakakasawa. Lahat ng ito ay maaari mong maramdaman kapag panay hintay lang ang ginagawa mo. Gumawa ng paraan. Wag petiks. Kung sa tingin mo nasa tamang edad ka na. Go lang! Wag padadala sa sinasabi ng iba.

IPAGLABAN ANG PUSO! IPAGLABAN ANG KARAPATAN. :D

Easy come, Easy go

Ang mga taong, nanjan agad, napasagot mo kaagad, naging kayo agad. Pero, agad-agad ring mawawala. Agad-agad ring gugunaw. Mawawala nang parang bula. May ganun naman kasi talaga hindi ba? Iba-iba ang rason nila:
  • Yung iba, trip trip lang.
  • Yung iba, paasa.
  • Yung iba, nagdadagdag lang sa mga koleksiyon nila.
Naalala ko sa nabasa ko, “Kapag ang lalake, mabilis mapasagot yung gusto nilang babae, mabilis mawala yung nararamdaman nilang pagka gusto dito.” Ayon ito sa isang lalaking blogger din na kakilala ko. Ang sabi niya, mas gusto daw ng mga lalaki ang mga babaeng, hindi easy to get. Kasi, mas machachallenge sila. Mas gusto raw kasi nila yung, complications.

Wag magmadali, kung ikaw ang minamadali, wag mo nang patulan, idadagdag ka lang sa mga paaasahin niyan.

Bakit ka na-babasted?

Na-inspire lang ako bigla sa isang idol ko sa isang Pinoy Blogger’s site. At, dahil may dalawa na ring nagtanong sa akin kung bakit nga ba may mga lalaking na-bubusted. Bukod pa rito, babae ako, at may experience din akong mam-busted. Haha! Ganda ko ‘eh. Lels.
Pero ito na ang mga dahilan:
  • Hindi dahilan ang pangit o mahirap ka, kundi wala kang sariling prinsipyo para harapin ang nililigawan mo- samakatuwid, wala kang diskarte sa buhay mo. Kung diyan palang, wala ka na, tsong! Back out na kaagad. Wala ka na kasing pag-asa.
  • Nagmamadali ka kasi masyado- May kasabihan tayo, “Wag mong hugutin ang halaman mula sa lupa para tumaas lang ito, kundi ito’y mamamatay lang.” Ganyan din ang pag-ibig, huwag kang magmamadali! Don’t jump to conclusions agad! Make your love work slowly.
  • Hindi mo masyadong kinakausap- Kasi nga, “communication is the key”!
  • Hindi mo pinapakitang concern ka sa kanya- Ang mga linyang, ”Kumain ka na ba?”, “Musta ang day mo naman?”, “Got any problems?”, pero wag naman sobra! Hanapin mo ang tamang oras kapag sasabihin mo sa kanya ‘yan!
  • Hindi ka kasi nanliligaw/Hindi niya alam na nanliligaw ka na pala- Eh, kung di ka naman kasi, shoshomba-shomba, eh, nakuha mo na yan. Ito ang mali sa ilang kalalakihan, ang iba, magugulat nalang, nililigawan na pala sila. Ipaalam mo rin kasi. Tange naman oh. Haha! Jk.
K. Wala lang. :D Opinyin ko lang naman. Naranasan mo na bang ma-basted (kawawa ka naman!) ang mambasted (taray!)?

    Ang pinakamasakit na parte ng paghihiwalay

    • Pagpapalit ng ‘baby’, ‘babe’, o kahit anong tawagan niyong dalawa nung ex mo, sa totoong pangalan niya.
    • Pag nakakarinig ka ng mga kantang nagpapapaalala sa kaniya sa’yo.
    • Pagpapalit ng relationship status mo sa fb, mula ‘in a relationship’ sa ‘single’.
    • Pag naalala mo yung masasayang araw ninyong dalawang magkasama.
    • Hindi nakakareceive ng ‘good morning’ texts galing sa kanya.
    • Wala nang ‘late night conversations’.
    • Wala ka nang matatawag na ‘mine’.
    • Wala nang ‘i love you more’ fights. Yung mahal kita, tapos lalaban ka pa, mas mahal kita, tapos hanggang abutin kayo ng bukas.
    • Yung pagkwekwento mo sa mga kaibigan mo tungkol sa kasiyahan ninyong dalawa. At ang pinakamahirap,
    • ANG LUMIMOT SA LAHAT NG NANGYARI AT MAG-LET GO.

    Yakapin mo ang sarili mo..

    Sa mga panahong inayawan ka, binalewala, at sinaktan, ito ang pinakamainam na paraan.

    Hindi masamang mahalin ang sarili. Kung sa tingin mo, nagiisa ka nalang. Kung dama mong ayaw ng mga tao sa iyo. Mas mainam kung naiisip mong mahalin yung sarili mo, mas maganda kung alam mo pa sa sarili mo na kahit nag-iisa ka nalang, mahal mo pa rin yung sarili mo. At least, kahit sarili mo nalang ang panghahawakan mo, alam mong may nagmamahal pa rin sayo. Yun nga lang loner ka ‘eh. Emo kumbaga.De, joke lang.

    Madalas kong yakapin ang sarili ko sa mga panahong nag-iisa ako. Kahit mukha lang tanga. Seryoso, nakakagaan ng loob. Kesa naman hanapin ang comfort sa iba, bakit hindi mo nalang simulan sa sarili mo, di ba? Ikaw lang ang nakakaalam ng tunay mong nararamdaman. Subukan mong payuhan ang sarili mo, bago ka manghingi ng simpatiya sa iba.

    “Friends have their own problems too, and while all the greeting cards and stuffed animals in the world promote the “I will always be here for you” statement, this may not always be true.”

    Ang pakikinig sa mga problema mo ay madali lang gawin ng mga kaibigan. Pero, wag masyadong mag-expect na lagi silang nanjan at anjan lang sila para i-solve ang mga problema mo. Bukod pa diyan, may sarili rin silang problema. Kaya, wag ka masyadong aasa sa kanila.

    Hindi magtatagal, marerealize ng mga tao na hindi ka mahina, at agad silang lalapit sa’yo para tumulong. Ang lider ay isa sa mga malungkot na tao sa kahit anong grupo, dahil kailangan niyang magdesisyon sa isang bagay ng mag-isa. Sa ngayon, isipin mo ang pinakamahalagang proyekto na gagawin mo: Ang Buuing Muli Ang Nagkawatak-watak na Pag-asa. Kapag naging tama ka sa mga desisyong gagawin mo, tiyak na magiging maayos ang lahat.

    Sa ngayon, yakapin mo ang sarili mo at huwag mawawalan ng pag-asa.

    Friday, July 1, 2011

    Simpleng Mata

    Ano nga ba yun? Yun bang simple lang yung paningin niya sa lahat ng bagay. Yun bang, sa tingin niya, lahat ng bagay sa mundo ay maganda at nagdudulot ng pag-unlad sa lahat. Yun bang hindi tinuturing na komplikado ang lahat ng problema. Yun bang imbes na manisi ng iba, itatry niya yung best niya para malutas ang problema niya.

    Eto yung kuntento ka sa kung anong simpleng bagay ang meron ka, yung 'di ka na maghahangad ng bagay na napakahirap abutin. Yung imbes na magpakahirap ka para abutin yung bagay na yun, itinutuon mo ang lakas at isip mo sa mahahalagang bagay, ang paglingkuran ang Diyos.

    Mukhang imposible man, pero, kung lahat sana ng tao sa mundo ay may simpleng paningin sa bawat bagay, wala sana tayong problema.

    Matalino ka ba talaga?

    Madalas, binabase natin ang talino ng isang tao sa marka nito sa kard sa eskwelahang pinapasukan. Yung iba, kailangang hindi bababa sa 85% upang matanyag na matalino ng mga tao. Pero, tama ba ang paniniwalang ito? Kung akin lang, hindi ako sang-ayon dito..

    Ang bawat indibidwal kasi ay may kaniya-kaniyang talino at talento. Yung iba, kaya naman umaangat dahil maganda sila, dahil malakas sila sa guro, atbp. Ang ilan ay magaling sa Math, pero kapag sinabak mo sa English, lagpak na. Yung iba naman sa Science, pero, kapag nag-Math na, wala rin.

    Iba-iba kasi ang depinisyon ng talino. Hindi por que, ang taas na ng grado mo sa kard, eh, ang talino mo na.

    Bakit nga ba hindi ako sang-ayon dito?

    Una, dahil hindi lahat, napapansin ng guro, yung iba, mataas ang grado dahil close at kaibigan nila ang nasabing guro. Paano nalang yung tahimik lang?

    Pangalawa, madalas makipagkopyahan ang iba, ang malala pa, nangongodigo, aminin ko, minsan ganito ako, pero, ngayon ko lang naisip na sobrang unfair pala sa mga nag-aaral ng matino.

    Ikatlo, ang iba, nadadaan sa suhol, nagbabayad ng P10,000-pataas sa guro, maipasa ka lang sa subject niya. Napakawalang-hiya ng ganitong klase ng guro.

    Ikaapat, may mga estudyante na maraming “sources” o “leakage”, kaya kapag araw na ng exam, petiks nalang siya, kasi, nakita na niya ang sagot at alam na niya ang mga katanungan.

    Ilan lang naman ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako nabibilib sa mga taong “genius” o “gifted child” kuno dahil lahat tayo, ginawa ng Diyos na “gifted”. Ang problema nga lang, may mga tamad mag-aral  samantalang may subsob sa pagsusunog ng kilay. May mga magagaling pero hindi alam kung saan gagamitin. Kaya buksan natin ang ating isipan! Minsan tanungin natin ang ating sarili bago tayo magpayabangan ng “grade”, ako ba talaga gumawa ng grade na ito? At bago natin sabihin na bobo o tanga ang isang tao dahil lang sa simpleng pagkakamali nito, isipin mo rin kung ikaw ba di ka rin ba nagkamali? Ikaw? Sa tingin mo? Matalino ka ba?

    Thursday, June 30, 2011

    Pseudo-Relationships

    Para sa mga hindi nakakaintindi, bibigyang kahulugan ko ang salitang “Pseudo Relationship”.

    Etimolohiya: Nagmula ang salitang iyan sa Pseudo na nangangahulugang peke, hindi totoo o kahit anong katulad ng meaning niya at dagdagan mo ng salitang relationship o ang relasyon. Samakatuwid, pekeng relasyon, hindi totoong relasyon, o NAGLOLOKOHAN LANG KAYO.

    Depinisyon: Dalawang taong nasa relasyon ngunit wala yung tunay na diwa, ang tinatawag nating “pangako” o commitment. Ito rin ay isang anyo ng katangahan, at aksaya lamang sa oras (paumanhin sa salitang nagamit).

    Hindi sa akin ang litratong ito.

    Halos kayo na pero, hindi kayo. Ang gulo lang! Ito ay isang bahagi ng pag-ibig kung saan, ang dalawang kasangkot ay higit sa pagiging mag-kaibigan ngunit hindi magkasintahan. Maaring may vermal agreement, pwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-jowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi. Talagang magulo. Ngunit, totoo, may mga ganitong tao.

    Ang ganitong bahagi ng pag-ibig ay maaring mangyari sa iba’t-ibang oras:

    • Maaring mangyari matapos ang break-up- Mahal niyo parin ang isa’t-isa, at ayaw ninyong mawalay. Nangyayari ito sa mga taong nag-break dahil maaring, ayaw ng magulang, bata pa, atbp. At para sa mga kadahilanang ikaw lamang ang may alam, ayaw niyo na muna magkabalikan.
    • Maaring mangyari bago maging kayo- Yong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang. Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo may ka-relasyon na.

    Ang mga ganitong klase ng relasyon ay maaring gawing libangan. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng “kalaro”. Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. Bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan? Iba’t ibang dahilan.
    1. Sabi ko pwedeng gawing libangan lang.
    2. Puwedeng buti na iyan kesa wala.
    3. Pwede ring “pantawid gutom” lang.
    Para sa akin, okay lang ang mga ganitong klase ng relasyon. Yun bang, kilig vibes lang ang habol mo. Yun bang, may iba ka pang magiging dahilan kung bakit ka kinikilig bukod sa pag-ihi mo. Yun bang may nagtatanong sa’yo kung kamusta ang araw mo. Yung kapag tumunog ang cellphone mo, mapapangiti ka dahil alam mong magtetex s’ya. at s’ya yung natex na yun sa’yo. Na habang wala pa ang totoong relasyon, pagtiyatiyagaan mo nalang yun.

    Pero, sa kabila ng lahat ng ito, walang kasiguraduhan ang lahat. Hindi mo alam kung kailan siya magsasawa. Kung kailan ka nya iiwan. Kung kailan s’ya makakahanap ng iba bukod sa iyo. At, kadalasan, ang lugi sa mga ganitong bagay ay ang mga babae.

    Hindi katulad ng seryosong relasyon, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa pseudo-relationship. Kumbaga, wala kang pinanghahawakan, walang salitang “kayo”, meron lang, “ikaw at siya” pero, walang “kayo”. Buti sana kung pseudo-pain lang ang mararanasan mo, ‘eh kaso, hindi, totoong sakit.

    Ang hirap ano? Sumangayon ka sa ganitong klase ng relasyon para sa kaligayan at matatapos ang lahat ng nasasaktan ka. Pero, pwede rin namang hindi masaktan. Pwedeng hindi mo na isipin ang darating na panahon, pwedeng i-enjoy mo nalang yung ginagawa n’yo. Pwede yun. Petiks lang.

    Ngunit, kung ikaw naman ay tiyak na mapupunta lang sa sakitan ang pinaggagawa niyo, kailangan mo nang mamili. Maari kang maging masaya at mabuhay sa mga sandali na hindi nababahala sa kung ano ang mangyayari sa susunod, o maari mo nang ihinto yang kalokohan niyo at maghintay na lamang na dumating ang totoong magmamahal sa'yo.

    Ang pagiging kuntento...

    “Sa likod ng isang relasyon ay ang mga taong hindi makuntento kahit may minamahal na.”

    Sa buhay ngayon ng tao sa ating lipunan o maging sa buong daigdig, ay may kanya-kanyang minamhal. Ngunit bakit hindi sila makuntento rito? Marami sa atin ngayon ang naghihintay ng kanilang mamahalin at marami rin naman sa atin ang meron nang niyayakap ngunit may halang pa rin silang nararanasan. Ano ba talaga ang saysay ng pagmamahal kung ang iba ay hindi naman makuntento sa kanilang buhay pag-ibig? Siguro’y ang pag-ibig para sa kanila ay nagsilbi lamang na panandaliang aliw at kasiyahan sa isang laro. Sabi nga nila, pagkahaba-haba man ng prusisyon ‘eh, sa simbahan din magtatapos. Para sa akin, ang pahayag na ito ay hindi kapani-paniwala kasi ang buhay ng tao ngayon, marami nga ang nagkakaroon ng mga kasintahan ngunit nagkakatulyan ba sila hanggang sa huli? Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang uri ng pagmamahal at lahat tayo ay may iba’t-ibang paraan upang mag-umapaw ito.

    Ang pag-ibig ay isa sa mga mahahalagang bagay sa mundo, lalong-lalo na sa buhay ng tao ngayon. Kahit saang sulok ng lugar ka mapadpad, makikita mo ang hawakan ng kamay, halikan, kulitan, at harutan ng mga magkasintahan. Ngayong lumalaganap ang karukhaan sa ating bansa, marami tuloy ang hindi nakararamdam ng pag-ibig na dapat ay iniaalay sa kanila. Ang mga batang walang muwang na makikita sa kalye na namamalimos at nagugutom dahil sa kapabayaan ng kanilang mga magulang ay nangangailangan ng isang pag-ibig na nag-uumapaw. Ang mgat taong may marupok na katawan at salat sa yaman ay nangangailangan ng pagmamahal sa kanilang buhay na tutulong sa kanila upang makatighaw sa nararanasang sakit ng tanikalang nakakabit sa kanilang mga paa na humahatak sa kanila sa landas ng kasamaan. Marami sa atin ngayon ay hindi alam ang ibig sabihin ng pag-ibig. Para sa iba, ang pag-ibig ay sadyang isang maliit na bagay na kapag ikaw ay tinamaan talagang sasakyan mo nalang ng may katapatan ngunit may kahalong pagdududa at panibugho. Ano nga pala ang koneksyon ng paksang ito sa pamagat ko?

    Ikinabit ko ang paksang ito sapagkat nais kong iparating sa mga taong may minamahal ngunit hindi naman makuntento rito na ang pag-ibig ay sadyang ganyan, kailangan ng tiwala sa isa’t-isa upang magkaroon ng isang matibay at matatag na samahang hindi mapipigtal ng kahit sinong magbalak na pumuksa rito. Sa lahat ng nakararanas ng ganitong problema, lagi niyong pakatatandaan na ang buhay pag-ibig, kung gusto mo talagang makuntento, kailangan ng tiwala at katapatan.

    Paano kung ang taong gusto mo ay mayroon ng iba?

    Wag ka dapat mawalan ng pag-asa. At, dapat, wag mong sinisisi yang sarili mo na nagkagusto ka sa iba. Hindi naman kasi napipigilan ang pagmamahal. Hindi mo aasahan ang pwedeng mangyari jan sa nararamdaman mo. Maaring mawala, maaring lumago. Pero, para sa akin, hindi naman masamang magkagusto sa may iba na, sabi ko nga magiging masama yun kung pumatol rin siya sa’yo.

    Ang mahalaga lang, alam mong wala kang aapakan sa nararamdaman mo. Matuto kang dumistansya. Matutong lumugar. Matutong gumawa ng nararapat. Pero, wag mawalan ng pag-asa.


    TANDAAN ANG CONTINENTAL DRIFT THEORY, KUNG ANG PULO NGA NAGHIHIWALAY, SILA PA KAYA.

    Mas mahirap maging babae kung ikukumpara sa pagiging lalaki

    Nagiging alitan minsan sa magkakaibigan kung sino ba talaga ang mas nahihirapan. Hindi ako makalaban dahil, ang masama, puro lalaki ang kalaban ko.. Kaya talagang sila ang panalo.

    Kesho, sila daw ang nanliligaw, sila daw ang nagtatrabaho, sila daw ang tinutuli, atbp. Basta, kahit anong bagay na magpapahirap sa kanila ay sinabi na nila.

    Sa lahat ng bagay kailangan mong mapatunayang may karapatan ka. Hangga’t may pagkakataon ako, ipaglalaban ko ang karapatang yon! Haha! Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit hindi madaling maging babae:

    • Kapag nagsuot ka ng maiksi (kesho shorts, palda, atbp.)- babastusin ka kaagad. Nasasabihan kang maarte ng ibang tao. Walang masyadong kalayaan. Pero, hindi naman nababastos ang lalaki kapag walang suot na t-shirt sa labas.
    • Kailangan mo sa buhay ang pagiging maganda. Kung hindi ka maganda, dapat mabait ka o kaya matalino- Pero, kapag ang lalaki, kahit pangit, tatanggapin ito ng mga babae. Kahit na tatanga-tanga, kahit na masama ang ugali, may kinalalagyan pa rin sila sa mundo.
    • Dalawang bahagi ng katawan namin ang pwede mong pagsamantalahan- Ang lalaki, isa na nga lang. Tuwang-tuwa pa ang iba kapag napagsamantalahan ito.
    • Mahirap umihi sa biyahe- Ang lalaki, tatayo lang sa tabi, instant wiwi na ang katapat. Eh, ang babae, required pang umupo. Kung pwede lang talagang tumayo e.
    • Bawat kilos mo, binabantayan ng mga tao sa paligid mo dahil bawat kilos mo, may interpretasyon para sa kanila- Ganun din naman sa lalaki, pero, mas matindi ang bato ng mga batikos sa babae. Lalong lalo na kung lalaki ang nagsalita.
    • Kami ang manganganak, kami pa ang magdadala ng bata- Samantalang ang lalaki, stay put lang. Nakatingin lang. Ang masama pa, magsusuffer ang mga babae ng siyam na buwan. Pero, blessing naman kung ituturing ito para sa kanila.
    • Ang babae, ibibigay niya ang puso at kaluluwa sa pamilya, marami pa ring maipipintas sa kanya- Samantalang ang lalaki, magka-pamilya na, at maibigay lang ang pangangailangan, mabuting ama na. Okay na!
    • Magkakaperiod buwan-buwan- Samantalang ang lalaki, tuli lang. Eh kami, effort pa yung pagpapanggap na normal lang. Na walang tumutulo sa toot nila (pasensya sa pananalita!).
    Marami pang dahilan bukod dito kung bakit nasasabi kong mahirap maging babae. Marahil kulang ang isang araw para maisulat ang lahat ng iyon. Siguro hindi niyo malalaman kung gaano talaga kahirap hangga’t hindi niyo mararamdaman. Kaya sana sa bawat hirap na pinagdadaanan ng isang babae, hiling namin na maisip  rin ninyo kung paano pahalagahan ang mga katulad namin. Dahil mahirap man, makakayanan namin lagpasan ang lahat ng iyon kung may mga taong marunong magpahalaga sa bawat sakripiyo at pagtitiis namin alang alang sa inyo. Ang mga babae ay nilikha ng Diyos para sa mga lalaki, para may makakasama siya sa pagtakbo ng buhay kaya nararapat lang siguro na iparamdam niyo rin sa amin na mahalaga rin kami dahil kung hindi dahil sa amin, marahil walang magbibigay ng kulay sa mga buhay ninyo. Marahil hindi magiging masaya ang mundo kung wala kami. Pangunawa, respeto, pagmamahal at pagpapahalaga - yan lang ang tanging hiling namin na manggagaling sa inyo.

    Pero, sa kabilang banda, mahirap ding maging lalaki syempre. Pero, babae ako, kaya ang babae ang ipaglalaban ko!

    Ikaw? Sa tingin mo ba mas mahirap talagang maging babae kaysa sa maging lalaki? Kung hindi ang sagot mo, patunayan mo!

    Mahirap kapag nasanay kang laging nandiyan siya.

    Minsan kahit ok ang relasyon niyo. Dapat iniisip mo rin na magtira ka dapat sa sarili mo. At hindi lahat sa relasyon mo. Kahit na buo ang tiwala mo diyan. Kahit na sobrang mahal mo yan.

    Dapat meron pa rin dapat sa sarili.

    Parang alak lang yan. Huwag kang magubos kapag makikipaginuman ka. Para makauwi ka.

    Sa pag-ibig naman huwag kang maguubos ng pagmamahal sa sarili mo para naman maka move on ka.

    Ginawa mong buhay ang relasyon niyo e. Iniwan mo yung ibang taong malalapit sayo.

    Mga kaibigan mo. Pati magulang mo sinusuway mo. Hindi mo na sila sinasamahan kapag nagpapasama sila sayo. Natuto ka nang sumagot dahil sa may sinasabi silang hindi maganda sa karelasyon mo.

    Paano nasanay kang kasama mo siya. Hindi lang sa kanya iikot ang mundo mo. Napakaraming bagay ang tumutulong para umayos ang pagkatao mo.

    May mga panahong gusto mo nalang sumuko..

    Dumarating talaga tayo sa punto ng sonbrang kalungkutan sa buhay. Yun bang tipong lahat ng ginawa mo mali, lahat ng tao ayaw sa iyo, lahat ng tao parang ayaw kang kausapin, lahat sila ayaw kang pansinin. Yun bang lahat ng hakbang ginawa mo na, pero, ayaw pa ring gumana. Nakaranas ka na ba ng ganito minsan? Yung feeling mo rejected ka. Feeling mo, buong mundo nilugmok ka.

    Hindi masamang sumuko. Kung talagang hindi mo na talaga kaya. Pero, hangga’t maari, wag sana. Okay lang na iwanan mo at lisanin ang lahat ng nagpapahirap sa buhay mo. Okay lang yan. Kung yan lang ang paraang magpapagaan sa kalooban mo, bakit hindi? Sabi nga sa pelikula,

    “Don’t ever think it was a mistake to choose to find yourself, to choose to love yourself a little bit more”

    Hindi ko na alam kung anong pelikula yan. Basta yung kay Bea. :D Bukod pa dito, kahit gasgas na, eh, applicable pa din,

    “Matutong mahalin ang iyong sarili bago ang iba.”

    Mahalin mo ang sarili mo, dahil kahit na ulit-ulitin niya ang linyang, “Mas mahal kita sa sarili ko.” o ang “Ikaw ang mundo ko.”, hindi niya talaga kayang gawin yan. Mainwala ka’t sa hindi, totoo ito. Hindi lahat ng lalaki, sa palagay ko, 1 sa sampung lalaki lang ang kayang gawin yan. Maswerte ka kung yung isang lalaking yun ay ang nobyo mo.

    Mahalin mo ang sarili mo dahil walang ibang gagawa nito para sa iyo.

    Mahalin mo ang sarili mo dahil doon mo malalaman ang halaga mo sa mundo. Doon ka magkakaroon ng pangarap. Doon ka kukuha ng bait sa sarili. Doon ka matututong igalang ang sarili mo. At malalaman mo kung saan ka lulugar.

    Hindi ka naman naloloko dahil lang sa may nanloko sa iyo. Madalas kaya ka naloko ay dahil hinayaan mo na silang lokohin ka. Huwag mong isisi lahat ng bagay sa ibang tao, masakit man pero marami dito’y bunga na rin ng sarili mong katangahan.

    Hindi ka mamatay kahit na mawala siya, wag kang maarte!

    Para sa mga babaeng/lalaking sa tingin nila, mamatay sila, at mawawala ang saysay ng buhay kapag nawala o naghiwalay sila ng boypren/girlpren nila.

    Kung sa tingin mo nga ganiyan, tingin mo lang yan. Sabi ng nila, habang may buhay, may pag-asa. Hindi ba? Totoo naman ‘eh. Wag masyadong O.A. Hindi ako salungat sa pagdadrama ninyo, ayon sa nabasa ko, ang pagtulo ng luha ay tumatagal lang ng isang linggo, kung sumobra, kaartehan na yan.
    Oo, dahil ang totoo, hindi ka naman talaga mamamatay kapag nawala siya maliban na lang kung minamahal mo ay si God sapagkat wala naman talagang taong may kakayahan na hawakan ang buhay ng ibang tao kahit kasing lakas pa niya si Son Goku na humingi ng lakas sa bawat taong nakatira sa planetang Earth.

    Sinasabi mo lang ito para maawa ang mga tao sa iyo at magalit sila sa lalaking nang-iwan sa iyo. O, kaya sinasabi mo lang ito para huwag ka niyang iwan. Kung ano pa man ang dahilan mo, walang mangyayari sa iyo kung ilalaan mo ang buhay mo sa isang taong kaya kang iwan sa panahon na handa mo ng ibigay ang buhay mo sa kanya.

    Masaklap talaga ang buhay. Hindi lahat ng sakripisyo mo ay may patutunguhang mabuti dahil hindi lahat ng sakripisyo mo ay tama. At hindi lahat ng tao ay karapat-dapat sa mga bagay na handa mong ibigay sa kanila.

    Eh, kasi naman, maraming dahilan para lumigaya, wag padadala sa isang tao lang. Bukod pa diyan, hindi lang siya ang nagmamahal sa’yo. Nanjan ang magulang mo, ang kaibigan mo, at higit sa lahat, ang sarili mo. Wag lang panghihinaan ng loob.