Dumarating talaga tayo sa punto ng sonbrang kalungkutan sa buhay. Yun bang tipong lahat ng ginawa mo mali, lahat ng tao ayaw sa iyo, lahat ng tao parang ayaw kang kausapin, lahat sila ayaw kang pansinin. Yun bang lahat ng hakbang ginawa mo na, pero, ayaw pa ring gumana. Nakaranas ka na ba ng ganito minsan? Yung feeling mo rejected ka. Feeling mo, buong mundo nilugmok ka.
Hindi masamang sumuko. Kung talagang hindi mo na talaga kaya. Pero, hangga’t maari, wag sana. Okay lang na iwanan mo at lisanin ang lahat ng nagpapahirap sa buhay mo. Okay lang yan. Kung yan lang ang paraang magpapagaan sa kalooban mo, bakit hindi? Sabi nga sa pelikula,
“Don’t ever think it was a mistake to choose to find yourself, to choose to love yourself a little bit more”
Hindi ko na alam kung anong pelikula yan. Basta yung kay Bea. :D Bukod pa dito, kahit gasgas na, eh, applicable pa din,
“Matutong mahalin ang iyong sarili bago ang iba.”
Mahalin mo ang sarili mo, dahil kahit na ulit-ulitin niya ang linyang, “Mas mahal kita sa sarili ko.” o ang “Ikaw ang mundo ko.”, hindi niya talaga kayang gawin yan. Mainwala ka’t sa hindi, totoo ito. Hindi lahat ng lalaki, sa palagay ko, 1 sa sampung lalaki lang ang kayang gawin yan. Maswerte ka kung yung isang lalaking yun ay ang nobyo mo.
Mahalin mo ang sarili mo dahil walang ibang gagawa nito para sa iyo.
Mahalin mo ang sarili mo dahil doon mo malalaman ang halaga mo sa mundo. Doon ka magkakaroon ng pangarap. Doon ka kukuha ng bait sa sarili. Doon ka matututong igalang ang sarili mo. At malalaman mo kung saan ka lulugar.
Hindi ka naman naloloko dahil lang sa may nanloko sa iyo. Madalas kaya ka naloko ay dahil hinayaan mo na silang lokohin ka. Huwag mong isisi lahat ng bagay sa ibang tao, masakit man pero marami dito’y bunga na rin ng sarili mong katangahan.
Thursday, June 30, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment