Pero ito na ang mga dahilan:
- Hindi dahilan ang pangit o mahirap ka, kundi wala kang sariling prinsipyo para harapin ang nililigawan mo- samakatuwid, wala kang diskarte sa buhay mo. Kung diyan palang, wala ka na, tsong! Back out na kaagad. Wala ka na kasing pag-asa.
- Nagmamadali ka kasi masyado- May kasabihan tayo, “Wag mong hugutin ang halaman mula sa lupa para tumaas lang ito, kundi ito’y mamamatay lang.” Ganyan din ang pag-ibig, huwag kang magmamadali! Don’t jump to conclusions agad! Make your love work slowly.
- Hindi mo masyadong kinakausap- Kasi nga, “communication is the key”!
- Hindi mo pinapakitang concern ka sa kanya- Ang mga linyang, ”Kumain ka na ba?”, “Musta ang day mo naman?”, “Got any problems?”, pero wag naman sobra! Hanapin mo ang tamang oras kapag sasabihin mo sa kanya ‘yan!
- Hindi ka kasi nanliligaw/Hindi niya alam na nanliligaw ka na pala- Eh, kung di ka naman kasi, shoshomba-shomba, eh, nakuha mo na yan. Ito ang mali sa ilang kalalakihan, ang iba, magugulat nalang, nililigawan na pala sila. Ipaalam mo rin kasi. Tange naman oh. Haha! Jk.
0 comments:
Post a Comment