- Kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo.
- Kapag nalaman mong may ibang mahal ang mahal mo.
- Kapag ginawa mo na ang lahat, pero wala pa rin.
- Kapag nalaman mong may anak ka sa taong mahal mo, pero, hindi pala sa’yo.
- Kapag nagpakasal ka sa taong mahal mo, pero, napilitan lang siya.
- Kapag lahat ng minahal mo ay iniwan ka.
- Kapag totoo ang pagmahahal mo!
Monday, July 4, 2011
Masakit magmahal,
Bakit ang Rebound Relationship ay hindi epektibo?
Nakakita ka na ba ng dalawang taong naging mag-kasintahan ng mahabang panahon, tapos naghiwalay, ang masama, pagkatapos ng isang linggo, nakahanap na agad sila ng bago?
Rebound relationship- Yun bang pumasok na sa isang relasyon ang isang tao na hindi pa talaga over ang feelings niya sa ex niya. Madalas, kawawa dito ay yung ni-rebound. Sa madaling salita, panakip-butas ka lang!

Ang ideya ng mga ganitong klase ng relasyon ay isang likas na ugali dahil minsan hindi ganung kadaling mag-cope up ang isang tao sa dating relasyong pinasukan nito. Samakatuwid, kailangan lang nila ng sasalo sa kanila, ng mabilisan. Yun bang gusto lang nila ng masasandalan dahil nga sa sobrang sakit.
Bakit nga ba hindi epektibo ang Rebound Relationship? Narito ang ilang dahilan,
Hindi makakatulong ang rebound relationship lalo na kapag magulo pa din ang utak mo, o hindi ka pa rin nakaka-move on sa sakit na nararamdaman mo.
Mas mabuti kasing gumawa ka ng paraan na maka-move on ka ng hindi nanggagamit ng iba. O kaya naman, umiyak ng umiyak hanggang sa madehydrate ka. Alam kong mahirap pero, mas maganda kung ganun.
MAGING FAIR KA SA SARILI AT LALONG LALO NA SA IBA.

- Tuliro ka pa din- Kung namimili ka ng partner kapag malabo pa rin ang utak mo, hindi maganda ang magiging resulta niyan. Kasi nga, wala ka pa sa katinuan ng utak mo. Hindi ka maka-get over sa ex mo ng sobrang bilis kaya mamadaliin mo yung paghahanap mo. Obviously, dahil sa ex mo kaya mabilisan kang naghahanap ng iba, dahil gusto mong ipakitang may bago ka na, agad! Aminin mo man sa hindi.
- Ginagamit mo lang siya- Aminin mo man sa hindi, totoo ito! Dahil nga nakakaranas ka ng sobrang sakit, mas pipiliin mong sumama sa iba, kung saan magiging komportable ang magiging pakiramdam mo. Kahit sino na aalis ng sakit sa puso mo ay pipiliin mo, kahit na yung maling mali para sa’yo. Hindi siya ang mahalaga sayo, kundi yung kakayahan niyang pagaanin ang kalooban mo sa panahong nasasaktan ka. Okay lang naman na gamiting pain-reliever ang isang tao, yun nga lang, papasok na ang guilt kapag nawala na ang sakit.
- Masyado siyang masasaktan- Naisip mo ba ‘to? Naisip mo din ba yung damdamin niya? Yun bang umaasa siya na mahal mo talaga siya, pero, ang totoo, ginagamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Habang ikaw ay natutuwa, siya namang kalungkutan ang magiging dulot nito sa kanya.
- Hindi talaga pagmamahal ang nararamdaman mo sa kanya- Sa katunayan, wala ka talagang nararamdaman sa kanya. Kasi nga, mahal mo pa yung ex mo. Ang sakit lang sa part nung ginamit mo. Kasi nga nag-expect siya ng malaki sa’yo.
Hindi makakatulong ang rebound relationship lalo na kapag magulo pa din ang utak mo, o hindi ka pa rin nakaka-move on sa sakit na nararamdaman mo.
Mas mabuti kasing gumawa ka ng paraan na maka-move on ka ng hindi nanggagamit ng iba. O kaya naman, umiyak ng umiyak hanggang sa madehydrate ka. Alam kong mahirap pero, mas maganda kung ganun.
MAGING FAIR KA SA SARILI AT LALONG LALO NA SA IBA.
Face to face ng TV 5
Sino bang hindi nakakaalam sa programang ito? Sa nabasa ko, ayon ito sa The Jerry Springer Show, ang pinagkaiba lang, sa TJSS, hindi binibigyan ng solusyon ang mga problema, pero sa Face to Face, bibigyan pa sila ng payo, at susubukang ayusin ang suliraning naihain sa kanila ng mga lumahok.
Nagmimistulang sabungan ng mga tao. Hindi ko lubos maisip at maintindihan kung bakit ang inaakala kong mga sibilisadong tao tulad ng prodyuser, direktor at manunulat ng programa ay gumawa ng isang programang pantelebisyon na kung saan ang kanilang mga panauhin ay nagsisigawan, nagsasapakan, nagmumurahan at nagpapalitan ng mga maaanghang na salita, na masasabi mong nakakawala ng respeto sa damdamin at dignidad ng ating kapwa-tao. Ano man ang kanilang dahilan sa pagbubuo ng programang ito, natitiyak kong hindi ito tumutugma sa wastong kaisipan, kaugalian at kagandahang asal ng ating lahing Pilipino.
Nanjan yung inagawan ng asawa ang sarili niyang ina, ninakawan ng electrickfan yung kapitbahay, ultimo yung simpleng pinahiya lang siya, bini-big deal na masyado. Nakakairita lang!
Hindi ako tutol o kung ano dito. Wala akong pakialam kung scripted pa to o hindi. Wala din akong pakialam sa nararamdaman ng mga taong sumasabak sa programang ito. Naasar talaga ako.
Oo, alam ko. Andun na tayo, sadyang ganun nga talaga ang ibang Pinoy (hindi lang naman dito, at take note, IBA, hindi ko sinasabing lahat), napaka-skandalosa, minsan walang limit. Pero, totoo naman ‘eh, ganun talaga kung mag-away yung mga Pinoy, sabunutan, sapakan, sipaan, resbakan, murahan, at kung anu-ano pa. Ang kinaiinisan ko lang, hindi naman dapat pati yung sobrang liit na dahilan, eh, pagaawayan pa. Mga isip bata talaga. Grow up naman sana! Tapos, ang masama pa, mag-aaway sa telebisyon, nakikita ng lahat, napapanuod. Jusko lang!
Nakakatulong din naman yung programa, bukod sa ma-eenlighten yung mga nag-aaway, eh may posibilidad na magkabati na sila.
Pero, wala, naasar talaga ako. :D

Yung mga taong mahilig magpa-like sa Facebook,
Oo. Ganito ako minsan, pero, tuwing sasali lang sa mga contest. Hindi yung sa photos and albums, at kung anu-ano pa. At least doon, kapag maraming likes may makukuha ka, eh, sa mga pinapalike sa akin, parang wala naman.
Hindi naman sa nagdadamot ako, tama nga naman, isang click lang naka-like ka na. Pero, ano ba kasing goal ng mga ganitong tao? Yun ang kinaiinisan ko. Okay lang naman kung sa paligsahan o kahit anong makakatulong sa sarili nilang kagustuhan e. At least, alam ko sa sarili kong nakatulong ako.
Kung yayaman ako sa mga pa-like niyo, edi sige, larga lang! Kaso, wala e, yung iba galit pa na hindi mo ni-like yung photo nila. Eh, kabanas. Kainis.
Minsan, kailangan talaga nating lumugar ng wasto at kaaya-aya sa mata ng mga tao.

Grow up
Ang pag-mature sa isang relasyon ay may maraming kahulugan. Pero, kung babasahin at papakinggan muli ang parirala, ano nga ba ang gagawin mo para mag-grow up sa isang relasyon?
Nasabihan na akong “grow up” ng ilang beses dati, at kapag nasabihan ka na nito, marahil alam mo rin ang pakiramdam. Una, pakiramdam mong napahiya ka kasi ang tingin nila sa’yo bata (kasi nga, umaakto ka na parang isang bata). Ano man ang dahilan para ma-sabi niya yun sa’yo, ito ang ilang paraan para, mag-“grow up” sa isang relasyon:

- Wag masyadong seloso/sa- Ang oras ng kasintahan mo, ang atensyon at ang pagmamahal niya ay hindi umiikot sa’yo lang. Kung iisipin mong mabuti, nagustuhan mo ang partner mo dahil sa kung ano ang kaya niyang gawin upang magbago ang ikaw, noon. Ibig sabihin ko lang, wag masyadong possesive, dahil ang sobrang pagiging seloso/sa, ay nakakasakal na!
- Maging responsable sa lahat ng aksyon- Kailangan, alam mo at napag-aralan mong mabuti at matino ang bawat aksyong gagawin mo sakanya. Dahil, ang isang pagkakamali, ay maaring makawasak ng relasyong matagal mo nang inalagaan.
- Ang hinala mo ang mali, hindi ang mundo- Hindi ka naman kasi superhuman o si Madam Awring para malaman kung ano ang mga ginagawa niya. Wag masyadong maghinala. To see is to believe. Bago ka magreklamo sa dapat ireklamo, alamin mo muna ang totoo.
Napipilitan ka na ba?
Minsan dumarating sa buhay natin yung mga pagsubok na obligado tayong gawin o maisakatuparan. Kahit ayaw natin, kahit anong pilit natin, wala e, sadyang obligado lang talaga tayong gawin.
Ilang beses na bang nangawit ang mata mo kakatitig sa mga papel na dapat ay itinatrabaho mo na? Ilang beses ka na bang naghintay sa akala mong dadating pa sayo? Ilang beses ka na bang ngumiti ng sapilitan dahil ayaw mong magpahalata sa mga taong nakapaligid sa’yo na lugmok ka na? Ilang beses ka ng naglilinis ng bahay, pero sa isang iglap lang, nadumihan na naman ito? Ilang beses na? Mahirap di ba?
“Sana puwedeng alisin muna ang mata at ilagay sa bulsa para kahit pumikit sya, nakatago naman sya, hindi ito mahuhuli ng boss.”- sabi ito ng ilan sa naging inspirasyon ko sa artikulong ito. Sana nga di ba? Sana pwedeng ganun? Kasi, minsan, antok na antok ka pa, pero, obligado kang bumangon para lang pumasok sa eskwelahan o sa opisina.
Minsan naisip ko, kung ayaw ko at napipilitan lang ako, hindi ko talaga gagawin. Pero, wala ‘eh. Sadyang unfair minsan ang mundo. Wala tayong magagawa kundi sundin ang mga bagay na minsan ay hindi tayo liligaya, na hindi tayo makikinabang.
Kung sa pag-ibig naman, kung napipilitan ka lang na mahalin siya, aba! Lubayan mo na hijo/hija. Hindi por que masaya siya sa ginagawa niya, tama na ang lahat. Minsan masama rin ang epekto talaga kapag ginagawa mo ang bagay na hindi ka nasisiyahan. Kaya, please, magpakatotoo ka. Sabi nga nila, “Mas mabuti ng masaktan sa katotohanan kesa, paniwalain sa kasinungalingan.”
Inisip mo nga ang iba, nahihirapan ka naman. Ikaw na tong nagsakripisyo, ikaw pa agrabyado. Pero, dapat ka bang kaawaan? Kasalanan mo rin kasi yan eh, di ba? Kaya may free will o kalayaan tayo, dahil may kapangyarihan tayong mamili ng alam nating makakabuti sa atin.
HINDI MASAMANG IWANAN ANG NAKASANAYAN KUNG IKAW AY NASASAKTAN. HINDI NAMAN SILA ANG MAGIGING KAWAWA, IKAW MISMO.

Darating pa ba siya sa'yo?
Maghintay. Magmatyag. Maging matalas ang mata. Malay mo nanjan lang siya sa tabi mo. O, kanina, nasalubong mo na. Aksidenteng nabangga mo siya habang nagmamadali kang sumakay ng Jeep papunta sa pupuntahan mo. Yung mga ganiyang insidenteng nakakabwisit. Ayun na e, andun na siya, pero hindi mo siya nakita. Nakakahinayang lang hindi ba?
Hindi lahat ng bagay ay mapupunta agad-agad sayo. Darating yan, sigurado ako. Sa tamang oras. Sa tamang panahon. Ngunit, paano nga kapag napagod ka na? Papaano kung sawang-sawa ka ng maghintay ng taong para sa’yo? Nakakasawa nga naman to, lalong lalo na kung sobrang atat ka na.
Oo, nga. May nakalaan para sa atin. Paano kung yung nakalaan para sa atin ay napunta na sa iba? Paano? Paano kung nagpari na o kaya naging madre? Paano kung nag-pakasal na? Paano kung bading/tibo? O kaya, patay na.
Walang kasiguraduhan. Napakagulo. Nakakatamad. Nakakasawa. Lahat ng ito ay maaari mong maramdaman kapag panay hintay lang ang ginagawa mo. Gumawa ng paraan. Wag petiks. Kung sa tingin mo nasa tamang edad ka na. Go lang! Wag padadala sa sinasabi ng iba.
IPAGLABAN ANG PUSO! IPAGLABAN ANG KARAPATAN. :D

Easy come, Easy go
Ang mga taong, nanjan agad, napasagot mo kaagad, naging kayo agad. Pero, agad-agad ring mawawala. Agad-agad ring gugunaw. Mawawala nang parang bula. May ganun naman kasi talaga hindi ba? Iba-iba ang rason nila:
Wag magmadali, kung ikaw ang minamadali, wag mo nang patulan, idadagdag ka lang sa mga paaasahin niyan.
- Yung iba, trip trip lang.
- Yung iba, paasa.
- Yung iba, nagdadagdag lang sa mga koleksiyon nila.
Wag magmadali, kung ikaw ang minamadali, wag mo nang patulan, idadagdag ka lang sa mga paaasahin niyan.
Bakit ka na-babasted?
Na-inspire lang ako bigla sa isang idol ko sa isang Pinoy Blogger’s site. At, dahil may dalawa na ring nagtanong sa akin kung bakit nga ba may mga lalaking na-bubusted. Bukod pa rito, babae ako, at may experience din akong mam-busted. Haha! Ganda ko ‘eh. Lels.
Pero ito na ang mga dahilan:
Pero ito na ang mga dahilan:
- Hindi dahilan ang pangit o mahirap ka, kundi wala kang sariling prinsipyo para harapin ang nililigawan mo- samakatuwid, wala kang diskarte sa buhay mo. Kung diyan palang, wala ka na, tsong! Back out na kaagad. Wala ka na kasing pag-asa.
- Nagmamadali ka kasi masyado- May kasabihan tayo, “Wag mong hugutin ang halaman mula sa lupa para tumaas lang ito, kundi ito’y mamamatay lang.” Ganyan din ang pag-ibig, huwag kang magmamadali! Don’t jump to conclusions agad! Make your love work slowly.
- Hindi mo masyadong kinakausap- Kasi nga, “communication is the key”!
- Hindi mo pinapakitang concern ka sa kanya- Ang mga linyang, ”Kumain ka na ba?”, “Musta ang day mo naman?”, “Got any problems?”, pero wag naman sobra! Hanapin mo ang tamang oras kapag sasabihin mo sa kanya ‘yan!
- Hindi ka kasi nanliligaw/Hindi niya alam na nanliligaw ka na pala- Eh, kung di ka naman kasi, shoshomba-shomba, eh, nakuha mo na yan. Ito ang mali sa ilang kalalakihan, ang iba, magugulat nalang, nililigawan na pala sila. Ipaalam mo rin kasi. Tange naman oh. Haha! Jk.
Ang pinakamasakit na parte ng paghihiwalay
- Pagpapalit ng ‘baby’, ‘babe’, o kahit anong tawagan niyong dalawa nung ex mo, sa totoong pangalan niya.
- Pag nakakarinig ka ng mga kantang nagpapapaalala sa kaniya sa’yo.
- Pagpapalit ng relationship status mo sa fb, mula ‘in a relationship’ sa ‘single’.
- Pag naalala mo yung masasayang araw ninyong dalawang magkasama.
- Hindi nakakareceive ng ‘good morning’ texts galing sa kanya.
- Wala nang ‘late night conversations’.
- Wala ka nang matatawag na ‘mine’.
- Wala nang ‘i love you more’ fights. Yung mahal kita, tapos lalaban ka pa, mas mahal kita, tapos hanggang abutin kayo ng bukas.
- Yung pagkwekwento mo sa mga kaibigan mo tungkol sa kasiyahan ninyong dalawa. At ang pinakamahirap,
- ANG LUMIMOT SA LAHAT NG NANGYARI AT MAG-LET GO.
Yakapin mo ang sarili mo..
Sa mga panahong inayawan ka, binalewala, at sinaktan, ito ang pinakamainam na paraan.
Hindi masamang mahalin ang sarili. Kung sa tingin mo, nagiisa ka nalang. Kung dama mong ayaw ng mga tao sa iyo. Mas mainam kung naiisip mong mahalin yung sarili mo, mas maganda kung alam mo pa sa sarili mo na kahit nag-iisa ka nalang, mahal mo pa rin yung sarili mo. At least, kahit sarili mo nalang ang panghahawakan mo, alam mong may nagmamahal pa rin sayo.Yun nga lang loner ka ‘eh. Emo kumbaga.De, joke lang.
Madalas kong yakapin ang sarili ko sa mga panahong nag-iisa ako. Kahit mukha lang tanga. Seryoso, nakakagaan ng loob. Kesa naman hanapin ang comfort sa iba, bakit hindi mo nalang simulan sa sarili mo, di ba? Ikaw lang ang nakakaalam ng tunay mong nararamdaman. Subukan mong payuhan ang sarili mo, bago ka manghingi ng simpatiya sa iba.
“Friends have their own problems too, and while all the greeting cards and stuffed animals in the world promote the “I will always be here for you” statement, this may not always be true.”
Ang pakikinig sa mga problema mo ay madali lang gawin ng mga kaibigan. Pero, wag masyadong mag-expect na lagi silang nanjan at anjan lang sila para i-solve ang mga problema mo. Bukod pa diyan, may sarili rin silang problema. Kaya, wag ka masyadong aasa sa kanila.
Hindi magtatagal, marerealize ng mga tao na hindi ka mahina, at agad silang lalapit sa’yo para tumulong. Ang lider ay isa sa mga malungkot na tao sa kahit anong grupo, dahil kailangan niyang magdesisyon sa isang bagay ng mag-isa. Sa ngayon, isipin mo ang pinakamahalagang proyekto na gagawin mo: Ang Buuing Muli Ang Nagkawatak-watak na Pag-asa. Kapag naging tama ka sa mga desisyong gagawin mo, tiyak na magiging maayos ang lahat.
Sa ngayon, yakapin mo ang sarili mo at huwag mawawalan ng pag-asa.
Hindi masamang mahalin ang sarili. Kung sa tingin mo, nagiisa ka nalang. Kung dama mong ayaw ng mga tao sa iyo. Mas mainam kung naiisip mong mahalin yung sarili mo, mas maganda kung alam mo pa sa sarili mo na kahit nag-iisa ka nalang, mahal mo pa rin yung sarili mo. At least, kahit sarili mo nalang ang panghahawakan mo, alam mong may nagmamahal pa rin sayo.
Madalas kong yakapin ang sarili ko sa mga panahong nag-iisa ako. Kahit mukha lang tanga. Seryoso, nakakagaan ng loob. Kesa naman hanapin ang comfort sa iba, bakit hindi mo nalang simulan sa sarili mo, di ba? Ikaw lang ang nakakaalam ng tunay mong nararamdaman. Subukan mong payuhan ang sarili mo, bago ka manghingi ng simpatiya sa iba.
“Friends have their own problems too, and while all the greeting cards and stuffed animals in the world promote the “I will always be here for you” statement, this may not always be true.”
Ang pakikinig sa mga problema mo ay madali lang gawin ng mga kaibigan. Pero, wag masyadong mag-expect na lagi silang nanjan at anjan lang sila para i-solve ang mga problema mo. Bukod pa diyan, may sarili rin silang problema. Kaya, wag ka masyadong aasa sa kanila.
Hindi magtatagal, marerealize ng mga tao na hindi ka mahina, at agad silang lalapit sa’yo para tumulong. Ang lider ay isa sa mga malungkot na tao sa kahit anong grupo, dahil kailangan niyang magdesisyon sa isang bagay ng mag-isa. Sa ngayon, isipin mo ang pinakamahalagang proyekto na gagawin mo: Ang Buuing Muli Ang Nagkawatak-watak na Pag-asa. Kapag naging tama ka sa mga desisyong gagawin mo, tiyak na magiging maayos ang lahat.
Sa ngayon, yakapin mo ang sarili mo at huwag mawawalan ng pag-asa.
Friday, July 1, 2011
Simpleng Mata
Ano nga ba yun? Yun bang simple lang yung paningin niya sa lahat ng bagay. Yun bang, sa tingin niya, lahat ng bagay sa mundo ay maganda at nagdudulot ng pag-unlad sa lahat. Yun bang hindi tinuturing na komplikado ang lahat ng problema. Yun bang imbes na manisi ng iba, itatry niya yung best niya para malutas ang problema niya.
Eto yung kuntento ka sa kung anong simpleng bagay ang meron ka, yung 'di ka na maghahangad ng bagay na napakahirap abutin. Yung imbes na magpakahirap ka para abutin yung bagay na yun, itinutuon mo ang lakas at isip mo sa mahahalagang bagay, ang paglingkuran ang Diyos.
Mukhang imposible man, pero, kung lahat sana ng tao sa mundo ay may simpleng paningin sa bawat bagay, wala sana tayong problema.

Matalino ka ba talaga?
Madalas, binabase natin ang talino ng isang tao sa marka nito sa kard sa eskwelahang pinapasukan. Yung iba, kailangang hindi bababa sa 85% upang matanyag na matalino ng mga tao. Pero, tama ba ang paniniwalang ito? Kung akin lang, hindi ako sang-ayon dito..
Ang bawat indibidwal kasi ay may kaniya-kaniyang talino at talento. Yung iba, kaya naman umaangat dahil maganda sila, dahil malakas sila sa guro, atbp. Ang ilan ay magaling sa Math, pero kapag sinabak mo sa English, lagpak na. Yung iba naman sa Science, pero, kapag nag-Math na, wala rin.
Iba-iba kasi ang depinisyon ng talino. Hindi por que, ang taas na ng grado mo sa kard, eh, ang talino mo na.
Bakit nga ba hindi ako sang-ayon dito?
Una, dahil hindi lahat, napapansin ng guro, yung iba, mataas ang grado dahil close at kaibigan nila ang nasabing guro. Paano nalang yung tahimik lang?
Pangalawa, madalas makipagkopyahan ang iba, ang malala pa, nangongodigo, aminin ko, minsan ganito ako, pero, ngayon ko lang naisip na sobrang unfair pala sa mga nag-aaral ng matino.
Ikatlo, ang iba, nadadaan sa suhol, nagbabayad ng P10,000-pataas sa guro, maipasa ka lang sa subject niya. Napakawalang-hiya ng ganitong klase ng guro.
Ikaapat, may mga estudyante na maraming “sources” o “leakage”, kaya kapag araw na ng exam, petiks nalang siya, kasi, nakita na niya ang sagot at alam na niya ang mga katanungan.
Ilan lang naman ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako nabibilib sa mga taong “genius” o “gifted child” kuno dahil lahat tayo, ginawa ng Diyos na “gifted”. Ang problema nga lang, may mga tamad mag-aral samantalang may subsob sa pagsusunog ng kilay. May mga magagaling pero hindi alam kung saan gagamitin. Kaya buksan natin ang ating isipan! Minsan tanungin natin ang ating sarili bago tayo magpayabangan ng “grade”, ako ba talaga gumawa ng grade na ito? At bago natin sabihin na bobo o tanga ang isang tao dahil lang sa simpleng pagkakamali nito, isipin mo rin kung ikaw ba di ka rin ba nagkamali? Ikaw? Sa tingin mo? Matalino ka ba?

Subscribe to:
Posts (Atom)