- Kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo.
- Kapag nalaman mong may ibang mahal ang mahal mo.
- Kapag ginawa mo na ang lahat, pero wala pa rin.
- Kapag nalaman mong may anak ka sa taong mahal mo, pero, hindi pala sa’yo.
- Kapag nagpakasal ka sa taong mahal mo, pero, napilitan lang siya.
- Kapag lahat ng minahal mo ay iniwan ka.
- Kapag totoo ang pagmahahal mo!
Monday, July 4, 2011
Masakit magmahal,
Bakit ang Rebound Relationship ay hindi epektibo?
Nakakita ka na ba ng dalawang taong naging mag-kasintahan ng mahabang panahon, tapos naghiwalay, ang masama, pagkatapos ng isang linggo, nakahanap na agad sila ng bago?
Rebound relationship- Yun bang pumasok na sa isang relasyon ang isang tao na hindi pa talaga over ang feelings niya sa ex niya. Madalas, kawawa dito ay yung ni-rebound. Sa madaling salita, panakip-butas ka lang!

Ang ideya ng mga ganitong klase ng relasyon ay isang likas na ugali dahil minsan hindi ganung kadaling mag-cope up ang isang tao sa dating relasyong pinasukan nito. Samakatuwid, kailangan lang nila ng sasalo sa kanila, ng mabilisan. Yun bang gusto lang nila ng masasandalan dahil nga sa sobrang sakit.
Bakit nga ba hindi epektibo ang Rebound Relationship? Narito ang ilang dahilan,
Hindi makakatulong ang rebound relationship lalo na kapag magulo pa din ang utak mo, o hindi ka pa rin nakaka-move on sa sakit na nararamdaman mo.
Mas mabuti kasing gumawa ka ng paraan na maka-move on ka ng hindi nanggagamit ng iba. O kaya naman, umiyak ng umiyak hanggang sa madehydrate ka. Alam kong mahirap pero, mas maganda kung ganun.
MAGING FAIR KA SA SARILI AT LALONG LALO NA SA IBA.

- Tuliro ka pa din- Kung namimili ka ng partner kapag malabo pa rin ang utak mo, hindi maganda ang magiging resulta niyan. Kasi nga, wala ka pa sa katinuan ng utak mo. Hindi ka maka-get over sa ex mo ng sobrang bilis kaya mamadaliin mo yung paghahanap mo. Obviously, dahil sa ex mo kaya mabilisan kang naghahanap ng iba, dahil gusto mong ipakitang may bago ka na, agad! Aminin mo man sa hindi.
- Ginagamit mo lang siya- Aminin mo man sa hindi, totoo ito! Dahil nga nakakaranas ka ng sobrang sakit, mas pipiliin mong sumama sa iba, kung saan magiging komportable ang magiging pakiramdam mo. Kahit sino na aalis ng sakit sa puso mo ay pipiliin mo, kahit na yung maling mali para sa’yo. Hindi siya ang mahalaga sayo, kundi yung kakayahan niyang pagaanin ang kalooban mo sa panahong nasasaktan ka. Okay lang naman na gamiting pain-reliever ang isang tao, yun nga lang, papasok na ang guilt kapag nawala na ang sakit.
- Masyado siyang masasaktan- Naisip mo ba ‘to? Naisip mo din ba yung damdamin niya? Yun bang umaasa siya na mahal mo talaga siya, pero, ang totoo, ginagamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Habang ikaw ay natutuwa, siya namang kalungkutan ang magiging dulot nito sa kanya.
- Hindi talaga pagmamahal ang nararamdaman mo sa kanya- Sa katunayan, wala ka talagang nararamdaman sa kanya. Kasi nga, mahal mo pa yung ex mo. Ang sakit lang sa part nung ginamit mo. Kasi nga nag-expect siya ng malaki sa’yo.
Hindi makakatulong ang rebound relationship lalo na kapag magulo pa din ang utak mo, o hindi ka pa rin nakaka-move on sa sakit na nararamdaman mo.
Mas mabuti kasing gumawa ka ng paraan na maka-move on ka ng hindi nanggagamit ng iba. O kaya naman, umiyak ng umiyak hanggang sa madehydrate ka. Alam kong mahirap pero, mas maganda kung ganun.
MAGING FAIR KA SA SARILI AT LALONG LALO NA SA IBA.
Face to face ng TV 5
Sino bang hindi nakakaalam sa programang ito? Sa nabasa ko, ayon ito sa The Jerry Springer Show, ang pinagkaiba lang, sa TJSS, hindi binibigyan ng solusyon ang mga problema, pero sa Face to Face, bibigyan pa sila ng payo, at susubukang ayusin ang suliraning naihain sa kanila ng mga lumahok.
Nagmimistulang sabungan ng mga tao. Hindi ko lubos maisip at maintindihan kung bakit ang inaakala kong mga sibilisadong tao tulad ng prodyuser, direktor at manunulat ng programa ay gumawa ng isang programang pantelebisyon na kung saan ang kanilang mga panauhin ay nagsisigawan, nagsasapakan, nagmumurahan at nagpapalitan ng mga maaanghang na salita, na masasabi mong nakakawala ng respeto sa damdamin at dignidad ng ating kapwa-tao. Ano man ang kanilang dahilan sa pagbubuo ng programang ito, natitiyak kong hindi ito tumutugma sa wastong kaisipan, kaugalian at kagandahang asal ng ating lahing Pilipino.
Nanjan yung inagawan ng asawa ang sarili niyang ina, ninakawan ng electrickfan yung kapitbahay, ultimo yung simpleng pinahiya lang siya, bini-big deal na masyado. Nakakairita lang!
Hindi ako tutol o kung ano dito. Wala akong pakialam kung scripted pa to o hindi. Wala din akong pakialam sa nararamdaman ng mga taong sumasabak sa programang ito. Naasar talaga ako.
Oo, alam ko. Andun na tayo, sadyang ganun nga talaga ang ibang Pinoy (hindi lang naman dito, at take note, IBA, hindi ko sinasabing lahat), napaka-skandalosa, minsan walang limit. Pero, totoo naman ‘eh, ganun talaga kung mag-away yung mga Pinoy, sabunutan, sapakan, sipaan, resbakan, murahan, at kung anu-ano pa. Ang kinaiinisan ko lang, hindi naman dapat pati yung sobrang liit na dahilan, eh, pagaawayan pa. Mga isip bata talaga. Grow up naman sana! Tapos, ang masama pa, mag-aaway sa telebisyon, nakikita ng lahat, napapanuod. Jusko lang!
Nakakatulong din naman yung programa, bukod sa ma-eenlighten yung mga nag-aaway, eh may posibilidad na magkabati na sila.
Pero, wala, naasar talaga ako. :D

Yung mga taong mahilig magpa-like sa Facebook,
Oo. Ganito ako minsan, pero, tuwing sasali lang sa mga contest. Hindi yung sa photos and albums, at kung anu-ano pa. At least doon, kapag maraming likes may makukuha ka, eh, sa mga pinapalike sa akin, parang wala naman.
Hindi naman sa nagdadamot ako, tama nga naman, isang click lang naka-like ka na. Pero, ano ba kasing goal ng mga ganitong tao? Yun ang kinaiinisan ko. Okay lang naman kung sa paligsahan o kahit anong makakatulong sa sarili nilang kagustuhan e. At least, alam ko sa sarili kong nakatulong ako.
Kung yayaman ako sa mga pa-like niyo, edi sige, larga lang! Kaso, wala e, yung iba galit pa na hindi mo ni-like yung photo nila. Eh, kabanas. Kainis.
Minsan, kailangan talaga nating lumugar ng wasto at kaaya-aya sa mata ng mga tao.

Grow up
Ang pag-mature sa isang relasyon ay may maraming kahulugan. Pero, kung babasahin at papakinggan muli ang parirala, ano nga ba ang gagawin mo para mag-grow up sa isang relasyon?
Nasabihan na akong “grow up” ng ilang beses dati, at kapag nasabihan ka na nito, marahil alam mo rin ang pakiramdam. Una, pakiramdam mong napahiya ka kasi ang tingin nila sa’yo bata (kasi nga, umaakto ka na parang isang bata). Ano man ang dahilan para ma-sabi niya yun sa’yo, ito ang ilang paraan para, mag-“grow up” sa isang relasyon:

- Wag masyadong seloso/sa- Ang oras ng kasintahan mo, ang atensyon at ang pagmamahal niya ay hindi umiikot sa’yo lang. Kung iisipin mong mabuti, nagustuhan mo ang partner mo dahil sa kung ano ang kaya niyang gawin upang magbago ang ikaw, noon. Ibig sabihin ko lang, wag masyadong possesive, dahil ang sobrang pagiging seloso/sa, ay nakakasakal na!
- Maging responsable sa lahat ng aksyon- Kailangan, alam mo at napag-aralan mong mabuti at matino ang bawat aksyong gagawin mo sakanya. Dahil, ang isang pagkakamali, ay maaring makawasak ng relasyong matagal mo nang inalagaan.
- Ang hinala mo ang mali, hindi ang mundo- Hindi ka naman kasi superhuman o si Madam Awring para malaman kung ano ang mga ginagawa niya. Wag masyadong maghinala. To see is to believe. Bago ka magreklamo sa dapat ireklamo, alamin mo muna ang totoo.
Napipilitan ka na ba?
Minsan dumarating sa buhay natin yung mga pagsubok na obligado tayong gawin o maisakatuparan. Kahit ayaw natin, kahit anong pilit natin, wala e, sadyang obligado lang talaga tayong gawin.
Ilang beses na bang nangawit ang mata mo kakatitig sa mga papel na dapat ay itinatrabaho mo na? Ilang beses ka na bang naghintay sa akala mong dadating pa sayo? Ilang beses ka na bang ngumiti ng sapilitan dahil ayaw mong magpahalata sa mga taong nakapaligid sa’yo na lugmok ka na? Ilang beses ka ng naglilinis ng bahay, pero sa isang iglap lang, nadumihan na naman ito? Ilang beses na? Mahirap di ba?
“Sana puwedeng alisin muna ang mata at ilagay sa bulsa para kahit pumikit sya, nakatago naman sya, hindi ito mahuhuli ng boss.”- sabi ito ng ilan sa naging inspirasyon ko sa artikulong ito. Sana nga di ba? Sana pwedeng ganun? Kasi, minsan, antok na antok ka pa, pero, obligado kang bumangon para lang pumasok sa eskwelahan o sa opisina.
Minsan naisip ko, kung ayaw ko at napipilitan lang ako, hindi ko talaga gagawin. Pero, wala ‘eh. Sadyang unfair minsan ang mundo. Wala tayong magagawa kundi sundin ang mga bagay na minsan ay hindi tayo liligaya, na hindi tayo makikinabang.
Kung sa pag-ibig naman, kung napipilitan ka lang na mahalin siya, aba! Lubayan mo na hijo/hija. Hindi por que masaya siya sa ginagawa niya, tama na ang lahat. Minsan masama rin ang epekto talaga kapag ginagawa mo ang bagay na hindi ka nasisiyahan. Kaya, please, magpakatotoo ka. Sabi nga nila, “Mas mabuti ng masaktan sa katotohanan kesa, paniwalain sa kasinungalingan.”
Inisip mo nga ang iba, nahihirapan ka naman. Ikaw na tong nagsakripisyo, ikaw pa agrabyado. Pero, dapat ka bang kaawaan? Kasalanan mo rin kasi yan eh, di ba? Kaya may free will o kalayaan tayo, dahil may kapangyarihan tayong mamili ng alam nating makakabuti sa atin.
HINDI MASAMANG IWANAN ANG NAKASANAYAN KUNG IKAW AY NASASAKTAN. HINDI NAMAN SILA ANG MAGIGING KAWAWA, IKAW MISMO.

Darating pa ba siya sa'yo?
Maghintay. Magmatyag. Maging matalas ang mata. Malay mo nanjan lang siya sa tabi mo. O, kanina, nasalubong mo na. Aksidenteng nabangga mo siya habang nagmamadali kang sumakay ng Jeep papunta sa pupuntahan mo. Yung mga ganiyang insidenteng nakakabwisit. Ayun na e, andun na siya, pero hindi mo siya nakita. Nakakahinayang lang hindi ba?
Hindi lahat ng bagay ay mapupunta agad-agad sayo. Darating yan, sigurado ako. Sa tamang oras. Sa tamang panahon. Ngunit, paano nga kapag napagod ka na? Papaano kung sawang-sawa ka ng maghintay ng taong para sa’yo? Nakakasawa nga naman to, lalong lalo na kung sobrang atat ka na.
Oo, nga. May nakalaan para sa atin. Paano kung yung nakalaan para sa atin ay napunta na sa iba? Paano? Paano kung nagpari na o kaya naging madre? Paano kung nag-pakasal na? Paano kung bading/tibo? O kaya, patay na.
Walang kasiguraduhan. Napakagulo. Nakakatamad. Nakakasawa. Lahat ng ito ay maaari mong maramdaman kapag panay hintay lang ang ginagawa mo. Gumawa ng paraan. Wag petiks. Kung sa tingin mo nasa tamang edad ka na. Go lang! Wag padadala sa sinasabi ng iba.
IPAGLABAN ANG PUSO! IPAGLABAN ANG KARAPATAN. :D

Subscribe to:
Posts (Atom)